Patakaran sa Refund

Nagbago ang plano mo? Walang problema. Puwede kang humiling ng refund sa loob ng 2 buwan mula nang bumili.

Nagbago ang plano mo? Walang problema. Puwede kang humiling ng refund sa loob ng 2 buwan mula nang bumili.

Mga uri ng refund

Kinanselang serbisyo

Kung nagbago ang travel plans mo at hindi mo na kailangan ang eSIM, bibigyan ka namin ng full refund.

Hindi compatible o naka-lock na device

Kung hindi compatible sa device mo ang nabiling eSIM, bibigyan ka namin ng full refund.

Problema sa connection

Kung hindi gumagana ang eSIM mo dahil sa problema sa panig namin, o dahil sa network outage o hindi stable na signal sa destinasyon mo, puwede ka naming bigyan ng full o partial refund.

Kailan hindi puwedeng mag-refund

  • Nagamit na o expired na ang plan.
  • Lampas na sa validity period ang plan.
  • Natirang data pagkatapos ng validity period.

Paano mag-request ng refund

  1. 1
    Makipag-ugnayan sa amin

    Mag-chat sa amin sa Help Center o mag-email sa support@esim4travel.com, kasama ang order number mo.

  2. 2
    Ire-review namin ang request mo

    Iche-check namin ang order at data usage mo. Kung connection issue, susubukan muna naming ayusin ito kasama mo, kaya manatili kang in touch sa amin.

  3. 3
    Matanggap ang refund mo

    Kung qualified ka, ibabalik namin ang bayad sa orihinal mong payment method. Papasok ang refund sa account mo sa loob ng 5–7 araw.

Ang mga purchase na ini-report bilang unauthorized ay rerepasuhin at ive-verify muna bago i-process ang anumang refund.

Ang mga request na wala sa mga kasong nakalista sa itaas ay isa-isang rerepasuhin, at puwedeng tanggihan ng eSIM4Travel ang request na walang valid na dahilan.

Ang eSIM4Travel ang may huling desisyon sa mga refund at puwede nitong i-update ang policy na ito anumang oras nang walang paunang abiso. Bahagi ang policy na ito ng aming Mga Tuntunin at Kundisyon.